Saturday, August 14, 2010

SINGAPORE: Ang Istorya Ng Taxi Driver by Catherine Lim



SINGAPORE: Ang Istorya Ng Taxi Driver
By Catherine Lim
Revised By: M.R. Avena

(1)Ayos, Ma’am. Sigurado-Darating kayo sa miting ng mas
Maaga sa t’yempo. Dito tayo dumaan, Ma’am. Konting
Trapik, konting bara ng mga kotse. Medya-ora lang,
Naro’n na tayo. Kaya h’wag kayong mag-alala, Ma’am

(2)Ano yon. Ma’am? Oho, oho. Ha, ha-dalawampung taon
Na ‘kong taxi driver, Ma’am. Panahon pa ng kopong-
Kopong. Di pa ganito ang Singapore-nanikip sa tao,
Bising-bisi. Noon mas tahimik, kokonti pa lang ang taxi
Drivers, at di-masyadong maraming kotse at bus

(3)Oho, Ma’am, kumikita naman. Di malaki pero pwede
Na. Anong mabuti? Para umasenso sa Singapore, sipag
Lang. Sa mga tulad naming no read, no write,w alang
kapital para sa negosyo, kailangang magpatulo ng
pawis nang kumita para sa misis at mga bata

(4)Oho, Ma’am malaki ang pamilya ko. Walong anak-anim
na lalaki,dalawang babae.Talagang malaki, ha, ha
problema,, no Ma’am? Pero noon, wala naming family
planning sa Singapore. Ang daming mag-anak ng
pamilya;taun-taon. Dalawa,tatlong anak, pigil na. Sabi
ng gobyerno, “tama na.”

(5)Buti na lang, malalaki na ang mga anak ko. Apat sa mga
anak kong lalaki kumakayod na, isang negosyante,
dalawang clerk, ‘yong isa titser sa primary school. Yong
isa namay nasa National Service, at yong isa, nag-aaral
pa, sa Secondary Four. Yong pinakamatanda kong
babae, beynte anyos na siyang mahigit, sa bahay lang,
tumutulung sa nanay niya

(6)Wala po, wala pa siyang asawa. Masyadong mahiyain
at medyo sakitin pero ang bait, masunurin. Yong isa
kong babe-ay, naku, Ma’am, laking problema sa ama
pag’yong anak na babae’y salbahe at lumalaban sa
magulang. Napakalungkot, parang parusa sa Diyos.

(7)Ngayon, iba ang kabataan, di tulad naming noon
Noon, wala sa amin ang matigas ang ulo. ‘Pag sinabi ng
magulang namin na, h’wag gawin ito, di naming
ginagawa. Kundi, naron ang baston. Nabaston ako ng
tatay ko. Kahit binata na at malapit nang mag-asawa
baston parin. Istriktong masyado ang tatay ko, at
mabuti ‘yon-maging istrikto ang magulang. Kundi,
walang silbi ang labas ng mga bata. Di mag-aaral,
aalpas at magna-night club o magda-drugs o sex. Tama
ba ako, Ma’am? Ngayong, laking sakit ng ulo sa
magulang ang kabataan. Nakita na n’yo yong teenager
d’on sa labas ng coffee shop? Kita nyo na Ma’am? Mga
estudyante palang ‘yon, pero kung umasta ‘kala mo
mga big shot magastos, naninigarilyo na, kung magbihis
sunod sa moda at mahilig na sa sex. Naku, Ma’am,
kabisado ko na yan. Bilang taxi driver, kilala ko ang mga
iyan at mga bisyo nila

(8)Kayo, Ma’am dib a sabi nyo titser kayo? Alam nyo ba
ang mga batang babae na ‘yan-kinse, disisais anyos?
Papasok ng eskwela ang mga ‘yan sa umaga na
nakauniporme. Pagkatapos ng eskwela, di uuwi ang
mga ‘yan. May dalang damit ang mga ‘yan sa school
magpapalit ng suot, magmemeyk-up. Walang alam ang
mga magulang nila. Sasabihin sa mama nila, may miting
daw, may sports o laro, may gano’n, ganito, pero ang
totoo e naglalakwatsa at kung anu-anong kalokohan ang
pinaggagawa

(9)A, Ma’am, mukhang ayaw ninyong maniniwala. Pero
‘yan ang totoo. Alam ko lahat ang kalokohan nila
Isinisakay ko sila sa taxi ko. Madalas, do’n sila sa bowling
Alley o coffee shop o hotel naghihintay. Tapos
lalapitan ng mga turisting kano o Europeo. Gan’on sila
maglibang at kumita ng extrang pera. Maniniwala ba
kayo, Ma’am, kung sasabihin ko kung ga’no kadami ng
pera nila? Anak ng-! Kagabi, tong batang sakay ko-kyut
na kyut, nakameyk-ap at seksi ang suot. Sabi sa akin,
dalhin ko ra sa Orchid Mansions. Kilalang-kilala ang l
lugar na ‘yon, isang four storey na apartment. Tapos
greenbacks-teg ten dollars lahat. Humugot ito ng isa at
sabi, “keep the change” wala raw s’yang tyempo. Para
sabihin ko sa inyo, Ma’am buwan buway mas malaki
ang kinikita ko sa mga teenager na ito kaysa d’on sa
nakikiapagbargain sa ‘kin na ‘wag na raw ibaba ang
metro pero naghihintay pa ng sukli nilang ten cents.
Pwe! Binubwisit akong talaga ng iba sa kanila. Pero
Itong mga batang ‘to walang tawaran. Bayad lang nang
Bayad. At sobrang makikipagromansa sa taxi, kaya di
bale kung mag-iikot ka nang husto at singilin sila sa
metro!

(10)Sabihin ko sa inyo, Ma’am, meron dy’an na di
pinoproblema kung magkano ang ginagasta sa taxi.
Ganito yon Ma’am: Paglampas ng ala-una ng umaga,
Mas malaki ang kita. Doon ako paparada sa labas ng
Elory Hotel o Tung Court o Orchid Mansions at sigurado,
Ma’am ayos ang buto-buto. Noong sabado, Ma’am,
walang biro-sa isang araw lang kumita ako ng halos
one hundred fifty dollars! Ang iba ny’on, para sa
serbisyo. May turista kasi na di alam kung saan
pupunta, kaya ako na ang nagsasabi at dinadala ko sila d’on.
Ekstrang kita din ‘yon. Ay, naku, Ma’am, kung
Ikukw’ento ko sa inyo ang lahat, di tayo matatapos

(11)Pero ito ang masasabi ko sa inyo. Kung meron kayong
dalagita at sasabihin sa inyo, “Mommy, may miting
kami sa iskwela ngayon at di ako uuwi,” h’wag n’yonh
sasabihin, “Sige hija” pero usisain nyo ang lahat.
Ngayo’y di ninyo mapagkakatiwalaan ang mga bata,
Di tulad noon. Ay naku, Ma’am nasasabi ko ito dahil
Ako mismo’y may dalagita. Mahal na mahal ko ang
batang ito. Napakabait nya at ang sipag mag-aral.
Nakikita ko ang report cards at ‘yong sinusulat ng
Kanyang titser na “Very Good” o “Excellent”, sa report
Cards nya. Nag-aaral sya sa bahay at tumutulong sa
nanay nya. Pero minsay tinatamad at sasabihin
n’ya, pinababalik daw s’ya ng titser sa iskwela para
makapag-aaral pa, para maturuan pa sa subject na
mahina siya – yon daw Math, Ma’am. At ako naman,
pinayagan ko sya, at araw-araw, gabi na siya umuwi,
tapos mag-aral, tuloy tulog. Isang araw-naku, Ma’am
hanggang ngayoy ginagalit pa ako. Isang araw, nagdadrive
ako ng taksi, parelaks-relaks lang, nang may nakita
akong dalagita ng nakakahawig ng sa aking Lay Choo,
may kasamang mga batang babae at ilang Europeo sa
labas ng coffee shop. Sabi ko, hindi pwedeng si
Lay Choo at ang isang ito e bihis na bihis, nakameyk-ap
At magaslaw kumilos.Di ganon ang anak ko. Tapos
Pumasok sila sa coffee shop. At ‘yong puso ko sobra ang-
Pa’no nga sabihin ‘yon, Ma’am? Yong puso ko, parang
Binabayo ng kung ano. Sabi ko, mabantyagan nga, at
tingnan ko ang kalokohan nya. Nong sumunod na
araw, nand’yon sa uli. Ipinarada ko ang taxi ko,
Ma’am. Galit na galit ako noon. Sinugod ko ang
Tarantadong anak ko at sinunggaban ko sa balikat at
Leeg at saka pinagsasampal ko at binugbog syang muli.
Estupida! Walang hiya! Pinilit ako ilayo ng asawa ko
at ilang kapitbahay. Palagay ko’y napatay ko ang batang
iyon kung di ako naawat.

(12)Tatlong araw kinulong sa kanyang kwarto. Nahiya
akong sabihin sa kanyang titser kung ano ang nangyari,
kaya sabi ko nalang may sakit si Lay Choo, at kung
p’wede, i-excuse nya sa klase. Ay naku, Ma’am. Anong
nararamdaman ninyo kung nasa lugar ko kayo?
Pinababa n’ya ang kanyang sarili, ganyon ang ama
N’yay maghapong pasada nang pasada ng taksi para
Maipadala sya sa unibersidad.

(13)Ano ‘yon Ma’am? Oho, oho – okey na ho ang lahat
Salamat. Di sya pwedeng lumabas ng bahay, liban kung
Papasok sa iskwela at bilin ko sa ina nya, check-in lagi
Ang ginagawa nyan at ‘yong mga kabarkada nya, kung
anong klaseng mga ito. Ay, naku Ma’am ang kabataan
ngayon – anong sakit ng ulo.

(14)Ano ‘yon Ma’am? A, sorry ho, Ma’am di ko kayo
Mahihintay matapos ang inyong miting. Kailangan
kong lumarga, kaya pasensya na ho. Nagmamadali ako
Ma’am, papuntang Hotel Elory. Maraming mga batang
Maisasakay. Kaya sorry nalang, Ma’am at maraming
salamat.


Reflection, Summary and Study on Ang Istorya Ng Taxi Driver HERE.

2 comments:

Unknown on August 20, 2013 at 4:01 AM said...

ang ganda ... sana nga .. mabawasan na ang mga batang ganyan.

Unknown on August 19, 2021 at 6:16 PM said...

Maganda na magan da Ang estorya pero tinood siya

 

Site Info

Followers